Election na naman sa Paluan at ayun, laging parang FIESTA sa dalawang kampo. Animoy may pahago at handaan kabi-kabila ang mga kandidato matuwa lang at maiboto ng mga taongbayan.
Natatawa ako sa mga linya ng pulitiko sa atin dahil taon-taon ay iyun at iyon din alamang ang aking naririnig. Kesyo walang pagbabago at doon naman sa kabila ay may pagbabago raw...
Ewan ko ba sa ilan nating mga kababayan sa Paluan na sobrang naniniwala sa mga pangako ng mga pulitikong sa simula't sapul ay isang manloloko. Tama ba ako?
Parang ngang nagdadalawang-isip na ako ngayon kung uuwi pa ako sa Paluan para bumoto. Kasi wala naman akong nakikitang maganda sa iboboto ko.
Ikaw, may nakita ka na bang dahilan sa pagboto sa kandidato mo?
________________________________________________________
Post comments : Anonymously or not!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Sa totoo lang d ako dapat mangialam since d na ako lihitimong taga Paluan pero sa dami kong naririnig at personal ko na ring opinyon, gusto kung ipaabot na MAHAL KO PA RIN ANG PALUAN.AT kagabi naghinayang ako na d i ko nasimulang panoorin ang palabas sa Channel 7.halos patapos na ito ng makita ko, kaya wala akong masyadong ma ikmento. Pero base sa mga naririnig ko thru mga kakilala, kamag-anak at kaibigan...galit sila sa kasalukuyang namumuno at Ewan ko rin, bakit patuloy na nananalo. Dhail ba sa bilihan ng boto..Sa perang kapalit ng karapatan. na di alam ng tao e pera din nila un...ika nga'y ginisa ka sa sarili mong mantika...dahil ang ipinambili ng boto ay buwis na ibinayad mo sa kaban ng yaman. Kaya hanggang hindi nagigising ang mga tao, wlang pagbabago..Marami pa akong gustong iparating marahil sa isang saglit na pagmumuni muni..
Post a Comment