Umuwi ako last October 17, 2008 sa Paluan at nagstay ako ng halos 5 araw. 1st day pa lang ay pumunta na ako ng Calawagan and look what I have seen!
Ang maliit na parang tulay na ito sa Calawagan ay nananatiling may uka ang ilalim kaya kalahati lang ng daan nito ang pwedeng gamitin.
Ito po ay pawang mga obserbasyon ko lamang sa aking ilang araw na pag-uwi sa Paluan. Hindi po ito paninira kundi konting pamumuna lamang sa dapat sanay maganda at kapuri-puring Calawagan River Resort.
Ikaw? Anong masasabi mo?
5 comments:
Parang nanlulumo ako sa mga nakikita ko! Matagal na akong hindi nakakarating sa Paluan at nakakabisita sa Calawagan. Sana naman ay hindi pinababayaan ito dahil ito ang pinagmamalaki ng Paluan. Huwag naman sanang ganyan!
Talaga bang ipinagmamalaki ito ng Paluan? Matagal na kasi akong hindi nakakauwi. Hindi ko lubos maisip kung bakit ang mga tagong yaman ng Paluan na kahit kakarampot na budget man lang dito ay wala. Sana naman ay pagtuunan nila ng pansin ang Calawagan kasi kumita na sila dito.
Talagang nakakapanlumo yan.. Sa halip na mas lalo pang pagandahin, pinabayaan na lang. Baka ipaayos nila yan... pag malapit na ang eleksiyon. Sana magkaroon na sa Paluan ng organized and constructive opposition, para may check and balance sa political system.
That's what we get for vote buying he he. Di ba yan gusto natin. Short term hindi long term. Wake up paluan. Let the funds go to Paluan and not all the way to Alabang.
In the first place you dont have to put a manmade pool in a beautiful nature place. Dapat natural ang dating. Tama yang tulay. genius
Post a Comment