Home » , , , , » Iligtas ang Calawagan River Resort at Mt. Calavite!

Iligtas ang Calawagan River Resort at Mt. Calavite!

Upang siguro ay lubusang ma-protektahan ang ganda at yaman ng kalikasan sa bayan ng Paluan, lalung-lalo na ang pamosong Bundok Calavite at Calawagan River (na makikita sa larawan sa gawing kanan),- ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan (SB) nito ang Resolution No. 16; Series of 2008.

Pinagtibay ito sa pamamagitan ng SB session noong Mayo 19, 2008. Matingkad na binabanggit dito ang “vehement objection ..... to any large scale operations...” na maaaring i-propose (o buksan) sa kanilang munisipalidad. Ang resolusyon ay isinulong ni Hon. Michael O. Diaz na unanimously approved naman ng SB. Attested ito ni Municipal Vice-Mayor at Presiding Officer Edgar P. Barrientos at inaprobahan ni Mayor Abelardo S. Pangilinan ng nasabing bayan.

Bagama’t ito ay isang resolution lang (as we all know and isang reso ay temporary lamang), maganda na rin itong take-off sa mga anti-mining moves doon. Kumbaga, may ulo na ng pakong pupukpukin.

Mayroon nang uumpisahan sa pag-uusap. Sabi nga sa isang bahagi ng dokumento: ”...large-scale mining operations would endanger the environmental integrity of the whole municipality to the detriment of the present and future generations of Palueños...”

Maliban kina Diaz, Barrientos at Pangilinan, lumagda din sa resolusyon sina Hon. Demosthenes R. Viaña, Antonio L. Tinaliga, Willard F. Sanchez, Joemarie T. Velandria, Melvin T. Tagumpay at ABC President Lynette C. Torreliza.

Article Courtesy by: Nanovio
Share this article :

0 comments:

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. I Love Paluan - All Rights Reserved
Template Modify by Creating Website
Proudly powered by Blogger