“Silakbo sa PCYA”

Tranche de Vie

Slice of Life

“Silakbo sa PCYA”

Kaysarap nga namang maging PCYA! Marami kang kaibigan, barkada at masasandalan anumang oras.

Maraming aktibidades ang PCYA na talagang nakakatulong para lalong mapagtibay ang samahan. Samahang kahit na anong klase ng barkada ay hindi matitibag.

Pamilya ang turingan namin sa PCYA. Lahat ay miyembro ng pamilya at may mga legal na patakaran para lalong mapaganda ang takbo nito.

*****

Tulad na lang noong nakaraang Halloween Discotheque, lahat ng mga miyembro ay talagang may nagawa maisakatuparan lamang ang isa na namang magandang proyekto na ito ng PCYA.

Kahit kinakabahan sa kalalabasan ng programang ito, kasi nga may kasabayan, ay ipinagpatuloy pa rin dahil ito ay naging tradisyon na ng PCYA at tiwala na hindi lalangawin ang programa dahil marami pa rin ang nagtitiwala sa PCYA.

Umaga pa lang ng araw ng 31, araw ng Halloween Discotheque, ay abala na ang mga PCYA sa pagsasaayos ng mga gagamitin sa Halloween.

Habang abala ang iba sa pag-aayos ng mga dekorasyon, abala naman ang iba sa panghihikayat at pangungumbida para sa nasabing programa.

Habang naghahanda na ang PCYA para sa pagdedekorasyon ng stage sa may simbahan, sa PCYA Tambayan ay may pumuntang Lider ng kabataan para kausapin ang aming adviser at ang mga Opisyal ng PCYA para makipagmerge o magsama na lang ang dalawang pangkat.

*****

Amin lang pong gustong itanong: bakit makikipagmerge ang PCYA? Sino ba ang tumiwalag? Sino ba ang umalis?

Hindi pride ito kung tutuusin kundi paninindigan. Kami ang inalisan, bakit pa nga ba kami sasama?

Hindi naman kasi ang PCYA ay basta-basta lang. May mga panuntunan kaming sinusunod, tradisyon at prinsipyo na dapat ipagpatuloy.

At bakit siya (Lider ng kabataan) ang kakausap sa amin? Hindi ba’t magandang magpaliwanag ang mga tao sa likod ng katapat naming programa?

Ginamit ko ang salitang katapat at hindi kalaban dahil bukas pa rin ako sa lahat.

At bakit ngayon lang? Ang tagal na namin sa Paluan, ngayon lang sila kakausap sa amin para doon?

Oo nga’t may karapatan siya sa ganitong isyu. Pero sana pantay ang pagtingin niya sa amin at patimbangin muna ang mga pangyayari.

Maging transparent sana siya sa mga grupong ito.

*****

Parang telebisyon nga naman! Pero wala kaming magagawa. Isang kahilingan lamang namin na magpakita sa amin ang kanilang mga opisyal (SANGKAP) para mapag-usapan na.

Bukas naman ag PCYA sa anumang usapan basta matino at talagang totohanan.

Ang PCYA ay isang non-profit youth organization kaya hindi mahalaga sa amin ang pera.

E ano ba kung magsama? E ano ba kung magshare ng gastusin ang dalawang grupo? E ano ba kung maghalo ang dalawang samahan?

Di ba masaya naman iyun? Magkakasama-sama ang mga kabataan ng Paluan na dati naman ay ganun. Ngayon lamang talaga.

Wala namang masama kung magsama ang PCYA at SANGKAP! Pare-parehas lang naman na kabataan ng Paluan.

Pero wala! Walang dumating sa inaasahan namin. E di tuloy pa rin ang PCYA. We’re doing this for God and for the Youths of Paluan kaya kahit na anong mangyari, dapat ay maging masaya kami.

*****

Ang PCYA ay may paninindigan at kaya naming panindigan ang aming mga nagawa at nasabi.

Ayaw naming mabalewala ang mga tulong ng mga taong nag-ambag at nagtiwala sa amin na kaya ng PCYA ano pa man ang mangyari.

Ayun nga! Naging matagumpay naman ang aming programa. Marami ang nagsaya noong gabing iyon kasama na ang mga taga-Mamburao na dumayo.

*****

Tulad nga ng sinasabi ng aming adviser, kailangan talaga ng transparency.

We should be very open at walang itinatago. All the people should know where or how napupunta ang mga funds at napapaliwanag ng husto ito sa mga miyembro. Temptation kasi ang pera. Everybody should know about what’s going on with funds and its flows.

Okey rin naman kung magkaroon sila ng Halloween Party pero konting respeto naman sana. Nakilala sila dahil ang karamihan sa mga miyembro nito ay pawang mga PCYA at officers pa.

They keep on insisting na wala naman talagang Halloween ang PCYA as what their reliable source have said. So, ‘yung source na iyun ang kailangang i-blame? No, walang kailangang sisihin. At least ngayon alam na ng lahat na hindi na kailangang ibandillo pa sa buong bayan na may Halloween ang PCYA dahil taon-taon ito. Para sa inyong kaalaman, ang PCYA ay taunang nagsasagawa ng Halloween Discotheque.

I hate what had happened last October. Especially doon sa mga Officers ng PCYA na nang-iwan sa ere. Where are the legitimate officers of PCYA? Nasa SANGKAP ang iba. And what are they doing there? Officers pala sila dun!

I hate people na hindi nagpaalam lalo na sa mga officers namin. Ok lang na may SANGKAP, its not competition at all. Hindi naman siguro magkakaroon ng gap ang dalawang grupo kung natutong magpaalam ang mga officers ng PCYA na nagpunta sa SANGKAP.

*****

Ok mamuno si Arjhay Tinaliga kung tutuusin dahil napapasunod niya ang mga miyembro nila. Ok rin ang samahang kanilang nabuo dahil ito ay lilinang sa mga talento ng kabataan ng Paluan.

Ang gusto ko lang i-point out dito ay ang mga officers na hindi man lang nagpaalam. Labas dito ang pamunuan ng SANGKAP at wala silang kinalaman sa himutok ko. All the officers who joined SANGKAP without resigning.

After that, okey na! Be sport naman especially dun sa mga taong hindi matanggap ang katotohanang napatunayan ng PCYA na sila pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga kabataan.

At least, kahit nakakakaba noong una kasi kokonti pa ang mga tao, napanindigan ng PCYA ang mga sinabi nila.

After that big event, kasiyahan naman para sa mga taong nasa likod ng event na iyun.

Walang bitterness at pagmumukhang sour loosers ang PCYA. Happy kami inside and out. We’ve done our tasks and our part.

*****

Sorry na lang kung hindi pa nila matanggap yun. Basta ang sa akin lang, kung gusto nila ng ganun, bahala sila. Basta ipagpapatuloy lang ng PCYA ang programa up to the 50th year kasi hanggang doon pa ang kontrata ng PCYA sa SEC (Securities and Exchange Commision).

*****

Nagkausap na naman ang Officers ng SANGKAP and PCYA and I hope that meeting should be the last na pag-uusapan ang tapatang program.

After that, nagpunta kami sa tabing-dagat para magbonfire. Doon, nagpicture-taking kami kasama si Fr. Paul.

Kinabukasan naman ay ang pagpunta namin sa Calawagan. May mga baon na tsitsirya lang pero masaya!

Masaya sa PCYA, lalo na’ dama mo ang naging kontribusyon mo sa mga programang ginagawa.

****

(As of writing) Habang tinatype ko ito ay nalaman ko na ang isang Officer ng PCYA (na Officer ng SANGKAP din) ay nagresign na. I don’t know what’s his/her reason.

Its better! Nagresign siya ng pormal. Paano naman kaya ang iba pang officers na nasa SANGKAP na hindi man lang mag resign? At least may susundan na kayo.

Hindi ko kayo pino-force na magresign. But try also to think of it like like what the first officer has done.

Courage ang pinagana niya, kayo ba?

FROM CYMBO December 200 Issue

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. I Love Paluan - All Rights Reserved
Template Modify by Creating Website
Proudly powered by Blogger